Sunday, April 17, 2011

Pnoy urged to stop impunity

SEVERAL MEDIA, media advocacy organizations and journalism professors and students led by the Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) are urging President Benigno Aquino III to take concrete steps to stop human rights violations and the continuing killing and harassment of journalists and political activists. 

The Manila newspaper BusinessWorld, students and professors of the University of the Philippines, the organization of editors of student newspapers, and the National Union of Journalists of the Philippines joined FFFJ in reminding the Aquino administration of its promise last August 2010 to take several steps to stop the killings.

Less than a year after Aquino’s assuming office, six journalists, three in the line of duty, have been killed. The first killing happened less than two weeks after President Benigno Aquino III was sworn into office. On 9 July 2010, a gunman riding tandem on a motorcycle shot broadcaster Miguel Belen in Camarines Sur. Belen died 22 days after the shooting.

In an open letter dated 17 April 2011, the media groups and journalism and communication professors and students asked Benigno Aquino III “to show political will to put an end to impunity and to launch the presidential initiatives needed to begin the process of change.”

“Mr. President, what is needed is concrete action that will turn the page in the public mind: action that will send a signal that the executive will do all that is necessary and within its power to counter impunity,” the letter read.

They reminded the president of his promise of change, including the promise to put an end to injustice and impunity. “You were elected,” they said, “ because the people were hungry for change, and you thwart that belief in the possibility of change at risk of the people’s loss of faith in the capacity of the system to deliver justice.”

 “(T)he failure to prosecute the killers of journalists as well as those of political activists…is sending the dangerous signal that, as in the administration of Gloria Macapagal Arroyo, the killings can continue during your watch without the perpetrators being punished. That failure will confirm that impunity will continue to reign and those with the means will not stop the use of violence against those they wish to silence.”

The groups also reminded Aquino of the recommendations they submitted to the Aquino administration in an August 2010 meeting between the FFFJ and the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) and officials of the Aquino government.

The recommendations include the strengthening of the Witness Protection Program and the formation of Multi-sectoral Quick Response Teams.

The groups also asked Aquino to request the judiciary to review the present justice system, especially the rules of court, and to help speed up the pace of the Ampatuan Massacre and other trials on media killings.

Aside from FFFJ and its member-organizations, students and faculty members of the University of the Philippines-College of Mass Communication,  BusinessWorld, and the College Editors Guild of the Philippines signed the open letter.

FFFJ is a coalition of six media organizations: the Center for Media Freedom and Responsibility, the Center for Community Journalism and Development, the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (The broadcasters’ association), the Philippine Press Institute, the Philippine Center for Investigative Journalism, and the US-based Philippine News.  It was founded in 2003 to assist in the prosecution of the killers of journalists and to provide humanitarian assistance to the families of slain journalists and media workers.

Promdi: Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na;...

Promdi: Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na;...: "PAOMBONG, Bulacan—Hindi na muling lalahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito ang pinakabatang Bulakenyo na i..."

Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na; 4 pa ipapako sa krus sa Paombong



PAOMBONG, Bulacan—Hindi na muling lalahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito ang pinakabatang Bulakenyo na ipinako sa krus matapos ang 16 na taon.

Gayunpaman, sinabi niya na siya ay “on call” na ibig sabihin ay anumang oras at kahit saan ay maaari siyang magpapako sa krus lalo kung may mensahe uli sa kanya ang “Diyos Ama.”

“Hanggang 16 times lang ang message sa akin na magpapako, like the number of the station of the cross,” ani Alexie “Buboy” Dionisio, 33, ang pinakabatang Bulakenyo na lumahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito.

Si Dionisio ay 15-taong gulang lamang ng unang ipako sa krus noong 1994.  Huli siyang ipinako sa krus noong nakaraang taon na isang ika-16 na sunod na taon niya ng paghtupad sa diumano’y utos sa kanya ng “Diyos Ama.”

Ang 16 na sunod na taong pagpapapako sa krus ni Dionisio ay tinampukan ng paglahok noong 2009 ng Jewish-Australian comedian na si John Safran, na lumikha ng kontrobersya dahil sa paglilihim ng tunay na layunin ng kanyang pagpapapako sa krus.

Ayon kay Dionisio ang kanyang pagtigil sa pagpapapako ay hindi dahil sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi niya na ilang beses na siyang binawalan, ngunit siya ay nagpatuloy dahil hindi tao ang nag-utos sa kanya, sa halip ay ang Diyos.

Ngunit sa kabila ng di niya paglahok sa taong ito, sinabi ni Dionisio na hindi iyon nangangahulugan na tuluyan na siyang titigil.

“Kung sakaling may mensahe sa akin, nakahanda ako, parang on call, anytime, anywhere, kahit hindi Mahal na Araw, basta may hudyat sa akin,” aniya at sinabing kahit saan siya magpunta ay dala niya ang pako na ginagamit sa pagpapako sa kanya.

Ito ay upang matupad niya ang utos sa kanya ng Diyos anumang oras at saan man siya naroon.

Nilinaw din niya na ang paglahok niya sa pagpapapako sa krus sa nagdaang 16 na taon ay hindi isang panata, sa halip ay pagtupad s autos ng “God the Father.”

Sa kabila naman ng pagtigil niya sa paglahok, sinabi ni Dionisio na hindi siya titigil sa iba pang mga nakagawiang gawain kung semana santa.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa niya ng pabasa sa kanilang bahay mula sa araw ng Linggo ng Palaspas, pagpapaligo sa milagrosong imahe ng Sto. Cristo sa kapilya ng Kapitangan kung Miyerkoles Santo ng Gabi, pagsasagaw ang Bisita Iglesias a mga simbahan sa Bulacan kung Huwebes Santo, at panalangin sa Kapitangan kung Biyernes Santo.

Hinggil sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan, sinabi niya na apat na tao ang magpapako doon simula sa Huwebes Santo.

Ang Brgy. Kapitangan ay matatagpuan sa tri-boundary ng mga bayan ng Hagonoy, Calumpit at Paombong.  Ito ay nagsisilbing isang pangunahing pilgrimage site sa Bulacan kung semana santa.

Ayon kay Dionisio, isa ang ipapako sa krus sa Huwebes Santo at tatlo sa Biyernes Santo.

Ang nag-iisang babae naman na dating kipinapako sa krus sa Kapitangan kung Biyernes Santo ay ipapako sa Miyekoles Santo sa San Pedro Cutud, San Fernando City, Pampanga. 

Linggo ng Palaspas at ang Puni Art ng Bulacan




MALOLOS CITY—Ikinagagalak ng mga Bulakenyo ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Palapas dahil sa paniniwalang ito ay magiging daan upang muling mabuhay ang naglalahong sining ng “puni.”

Ang  “puni” ay isang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay “pagandahin” o “dekorasyon.”

Ito ay isa rin sining ng paglulupi at pagtitiklop ng mga dahon ng na ngayon ay kilala bilang “puni art.”

Ayon kay Rheeza Hernandez ng Puni De Malolos, isang grupong nagsusulong muling popularidad ng naglalahong sining, ang karaniwang dahong ginagamit sa paglikha ng puni art ay ang mga dahon ng niyog at sasa.

Sinabi niya na bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa, ang puni art ay ginagawa ng mga Bulakenyo.

Simple lamang ang paggawa ng puni art, ayon kay Hernandez at binigyang diin na kailangan lamang ay ilupi, itiklop at lalahin ang mga dahon upang malkikha ang nais na hugis.

Sa mga nagdaang panahon, ang puni art ay nagagamit bilang laruan tulad ng mga isda, ibon at tipaklong na hinubog mula sa mga iniluping dahonng niyog.

May iba pang gamit ang puni art katulad ng lalagyan ng pagkain.  Ilang halimbawa nito ay ang suman, at balisungsong na kanin.

Bukod sa mga ito, nagagamit din ang puni art bilang mga religious paraphernalia tulad ng palaspas kung Palm Sunday, o kaya ay pandagdag na dekorasyon sa palaspas.

Ayon kay Hernandez, habang nagtatagal ay dumadalang ang gumagawa ng puni art, ngunit dumadami naman ang pinagghagamitan nito.

Aniya, bukod sa mga palaspas, nagagamit na ring pandekorasyon sa bahay ang puni art, partikular na ang mga makukulay na likha ng Puni De Malolos.

Ilan sa mgakabagong gamit ng puni art ay sinturon, bracelet, kuwintas, hikaw at iba pang fashions accessories.

“Marami sa mga kostumer namin ay mula sa Metro Manila na nagpapagawa ng mga made to order puni arts na akma sa kanilang pangangailangan,” ani Hernandez.

Iginiit pa niya  na ikinagagalak nila ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas dahil ito ay nagsisilbing daan upang higit na makilala ang naglalahong sining ng puni.

Hinggil naman sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas, sinabi ni Father Rolando de Leon ng Marilao na ito ay isang paggunita ng sambayanang Kristiyano sa maringal na pagpasok nsa lungsod ng Jerusalem ng Panginong Hesus may 2,000 taon na ang nakakaraan.

Sinabi ni De Leon na dapat ay pagbulayan ng bawat mananampalataya ang mensahe ng pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem dahil iyon ang simula ang pagdurusa ng Anak ng Diyos para sa kapatawaran at katubusan ng kasalanan ng sangkatauhan.

Hinggil naman sa kaugalian ng mga Pilipino na pagsasabit ng palaspas na nabendisyunan  sa harap ng kanilang bahay, sinabi ng pari na iyo ay bahagi ng paninkiwala ng mga tao na maghahatid na dagdag na biyaya dahil sa nabendisyunan ang palaspas.

Para naman sa mga residente ng Hagonoy at Calumpit, naniniwala sila na ang nabendisyunang palaspas ay magtataboy sa masasamang espiritu.

Ngunit para sa mga pari at pastor ng nagkakaisang simbahang Metodista sa Bulacan, dapat na manatili ang pananampalataya ng tao sa Diyos at hindi sa mga bagay na nilikha lamang ng tao.