PromdiNews
▼
Tuesday, December 13, 2011
Monday, December 12, 2011
Saturday, December 10, 2011
International Day to End Impunity.11-23-11
BulSU's Pacesetter staffers |
BulSU's Pacesetter staffers |
IDEI at San Fernando City, Pampanga |
Central Luzon Journalists, up in arms |
Punto Central Luzon's Joey Aguilar |
Central Luzon Businessweek's Peter Alagos |
Central Luzon Businessweek's Peter Alagos |
NUJP-Bulacan Chapter chair |
Friday, December 9, 2011
Brgy. Corazon, Calumpit, Bulacan. |
Epekto ng WMD sa Bulacan
Dalawang buwan ang nakalipas matapos manalasa ang bagyong Pedring at Quiel sa lalawigan hatid ang malakas na ulan na nagdulot ng malalim na pagbaha sa mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, Obando, Marilao, Bocaue at maging sa mga lungsod ng Malolos Meycauayan.
Magpasalamat tayo dahil sa tayo ay nakaligtas, ngunit ang ilan ay hindi kasing-palad natin.
***
Tanong ng marami, ano ang dahilan ng nasabing pagbaha. Sinisisi ng ilang ang pagpapatapon ng maraming tubig mula sa mga dam.
Dapat daw ay pakonti-konti lang.
***
Napagbalingan ng iba ay ang nakakalbong kabundukan ng Sierra Madre sa silangang Bulacan.
Marami daw kasing “barbero” doon na kung tawagin ay “timber poachers” na namumutol ng punong kahoy.
***
Sinisi rin ang bumababaw na kailugan kung saan tumitining ang tone-toneldang banlik mula sa tubig ulan na dumaludos sa kabundukan na naging banto sa ilog.
Di raw kasi nagsasagawa ng dredging ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
***
Isang problema yan sa DPWH, kasi daw ay “Highways” lang ang sakop nila, at hindi kasama ang “Waterways.”
Kaya naman ang payo ni Provincial Administrator Jim Valerio, dapat magkaroon ng tanggapang “Department of Public Works and Waterways” (DPWW).
***
Para naman sa mga environmentalist, ang katatapos na pagbaha sa bulacan ay isa lamang sa mga epekto ng climate change o ang pagpapalit ng klima ng mundo na habang umiinit ay lalong nagiging mapaminsala.
Ayon sa mga environmentalists, ilan sa climate change ay higit na mabalasik o malalakas na bagyo, na may dalang mas maraming ulan.
***
Inihalimbawa nila ang ulan na hatiid ng bagyong Ondoy noong 2009.
Ang ibinuhos daw na ulan ng bagyong Ondoy sa loob ng 12 oras ay halos nakakatumbas ng ulan para sa isang buwan. Ayun, nakita naman natin ang epekto sa kalakhang Maynila, di ba?
***
Sa isang panayam ng Promdi sa isang opisyal ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pag-asa) may apat na taon na ang nakakaraan, di pa raw masasabing mag climate change sa Pilipinas dahil wala pang malinaw na pag-aaral noon.
Pero ngayon, pamahalang pambansa mismo ang nagsusulong ng usapin sa climate change. Ilan sa halimbawa ay ang pagpapatibay ni Pangulong Aquino sa National Climate Change Action Plan (NCCAP) at pagpapasinaya niya sa Climate Change Academy sa Albay noong nakaraang linggo.
***
Ang pagapapatibay ng Pangulo sa NCCAP at pagpapasinaya sa Climate Change Academy ay isang pag-amin na naririto na at nararamdaman na sa bansa ang epekto ng climate change.
Hindi lang yan, nananalasa pa at isang halimbawa ay ang pananalasa ng pinakamalalim na baha sa Hagonoy at Calumpit nitong Setyembre at Oktubre.
***
Ang totoo, hindi na lingid sa atin ngayon ang climate change.
At hindi rin natin kailangan ang mga dalubhasa upang ipaliwanag sa atin ang epekto nito, dahil nararanasan natin.
***
Para kay United Nations Secretary General Ban-Ki-moon, ang climate change ay isang “global security threat.”
Ito ay dahil sa malawakang pagbaha o tagtuyot ay magiing sanhin ng tag-gutim at higit na kahirapan, maaaring humantong sa pangigibang bayan o bansa ng tao, upang makaiwas sa posibilidad ng karahasan.
***
Para naman kay Oli Brown, program manager at policy researcher ng International Institute for Sustainable Development (IISD), ang climate change ay maituturing na mapaminsalang WMD.
Hindi po Weapon of Mass Destruction ang ibig sabihin ni Brown sa WMD, sa halip ay “Weather of Mass Destruction.”
***
Totoo ang pakahulugan ni Brown sa WMD, dahil sa malawakang pinsalang hatid ng climate change sa mga bansa at pamayanan.
Ilan lamang sa halimbawa ay ang bahang hatid ng Ondoy noong 2009 sa Maynila at ilang bahagi ng Bulacan; at bahang hatid ng Pedring at Quiel sa Bulacan at Pampanga nitong Setyembre at Oktubre.
***
Huwag na nating bilangin ang mga nasawi sa dalawang pagbaha sa loob lamang ng dalawang taon.
Bigyang pansin na lamang natin ang pinsalang hatid nito sa Bulacan na umabot sa mahigit P3-B na halos kasing laki ng halaga ng kabuuang pondo ng kapitolyo ng Bulacan sa buong taon.
***
Isipin na lamang natin. Umabot na mahigit P3-B ang napinsala sa sa Bulacan hatid ng bagyong Pedring at Quiel, at iyon ay napinsala sa loob lamang ng dalawang linggo.
Hindi rin naiiba ang karanasan ng lalawigan ng Albay ng ito ay sagasaan ng bagyong Reming noong 2006. Ayon kay Gob. Joey Salceda, sa loob lamang ng anjim na oras na pananalasa ng Reming, mahigit sa 30 porsyento ng ekonomiya ng Albay ang tumagas.
***
Ngayong tanggap na natin ang epekto ng WMD sa Bulacan, isang katanungan ang nararapat sagutin ng ating magigiting na mga lingkod bayan.
Anong mga hakbang na inyong gagawin upang hindi makapaminsala o kaya ay mabawasan ang pinsalang hatid ng WMD sa Bulacan?
Monday, July 25, 2011
Sunday, July 10, 2011
Tuesday, July 5, 2011
Monday, July 4, 2011
Tuesday, May 17, 2011
Thursday, April 28, 2011
Sunday, April 24, 2011
Friday, April 22, 2011
Thursday, April 21, 2011
Tuesday, April 19, 2011
Sunday, April 17, 2011
Pnoy urged to stop impunity
SEVERAL MEDIA, media advocacy organizations and journalism professors and students led by the Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) are urging President Benigno Aquino III to take concrete steps to stop human rights violations and the continuing killing and harassment of journalists and political activists.
The Manila newspaper BusinessWorld, students and professors of the University of the Philippines, the organization of editors of student newspapers, and the National Union of Journalists of the Philippines joined FFFJ in reminding the Aquino administration of its promise last August 2010 to take several steps to stop the killings.
Less than a year after Aquino’s assuming office, six journalists, three in the line of duty, have been killed. The first killing happened less than two weeks after President Benigno Aquino III was sworn into office. On 9 July 2010, a gunman riding tandem on a motorcycle shot broadcaster Miguel Belen in Camarines Sur. Belen died 22 days after the shooting.
In an open letter dated 17 April 2011, the media groups and journalism and communication professors and students asked Benigno Aquino III “to show political will to put an end to impunity and to launch the presidential initiatives needed to begin the process of change.”
“Mr. President, what is needed is concrete action that will turn the page in the public mind: action that will send a signal that the executive will do all that is necessary and within its power to counter impunity,” the letter read.
They reminded the president of his promise of change, including the promise to put an end to injustice and impunity. “You were elected,” they said, “ because the people were hungry for change, and you thwart that belief in the possibility of change at risk of the people’s loss of faith in the capacity of the system to deliver justice.”
“(T)he failure to prosecute the killers of journalists as well as those of political activists…is sending the dangerous signal that, as in the administration of Gloria Macapagal Arroyo, the killings can continue during your watch without the perpetrators being punished. That failure will confirm that impunity will continue to reign and those with the means will not stop the use of violence against those they wish to silence.”
The groups also reminded Aquino of the recommendations they submitted to the Aquino administration in an August 2010 meeting between the FFFJ and the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) and officials of the Aquino government.
The recommendations include the strengthening of the Witness Protection Program and the formation of Multi-sectoral Quick Response Teams.
The groups also asked Aquino to request the judiciary to review the present justice system, especially the rules of court, and to help speed up the pace of the Ampatuan Massacre and other trials on media killings.
Aside from FFFJ and its member-organizations, students and faculty members of the University of the Philippines-College of Mass Communication, BusinessWorld, and the College Editors Guild of the Philippines signed the open letter.
FFFJ is a coalition of six media organizations: the Center for Media Freedom and Responsibility, the Center for Community Journalism and Development, the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (The broadcasters’ association), the Philippine Press Institute, the Philippine Center for Investigative Journalism, and the US-based Philippine News. It was founded in 2003 to assist in the prosecution of the killers of journalists and to provide humanitarian assistance to the families of slain journalists and media workers.
Promdi: Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na;...
Promdi: Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na;...: "PAOMBONG, Bulacan—Hindi na muling lalahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito ang pinakabatang Bulakenyo na i..."
Pinakabatang Bulakenyong ipinako sa krus tigil na; 4 pa ipapako sa krus sa Paombong
PAOMBONG, Bulacan—Hindi na muling lalahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito ang pinakabatang Bulakenyo na ipinako sa krus matapos ang 16 na taon.
Gayunpaman, sinabi niya na siya ay “on call” na ibig sabihin ay anumang oras at kahit saan ay maaari siyang magpapako sa krus lalo kung may mensahe uli sa kanya ang “Diyos Ama.”
“Hanggang 16 times lang ang message sa akin na magpapako, like the number of the station of the cross,” ani Alexie “Buboy” Dionisio, 33, ang pinakabatang Bulakenyo na lumahok sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan ng bayang ito.
Si Dionisio ay 15-taong gulang lamang ng unang ipako sa krus noong 1994. Huli siyang ipinako sa krus noong nakaraang taon na isang ika-16 na sunod na taon niya ng paghtupad sa diumano’y utos sa kanya ng “Diyos Ama.”
Ang 16 na sunod na taong pagpapapako sa krus ni Dionisio ay tinampukan ng paglahok noong 2009 ng Jewish-Australian comedian na si John Safran, na lumikha ng kontrobersya dahil sa paglilihim ng tunay na layunin ng kanyang pagpapapako sa krus.
Ayon kay Dionisio ang kanyang pagtigil sa pagpapapako ay hindi dahil sa panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Sinabi niya na ilang beses na siyang binawalan, ngunit siya ay nagpatuloy dahil hindi tao ang nag-utos sa kanya, sa halip ay ang Diyos.
Ngunit sa kabila ng di niya paglahok sa taong ito, sinabi ni Dionisio na hindi iyon nangangahulugan na tuluyan na siyang titigil.
“Kung sakaling may mensahe sa akin, nakahanda ako, parang on call, anytime, anywhere, kahit hindi Mahal na Araw, basta may hudyat sa akin,” aniya at sinabing kahit saan siya magpunta ay dala niya ang pako na ginagamit sa pagpapako sa kanya.
Ito ay upang matupad niya ang utos sa kanya ng Diyos anumang oras at saan man siya naroon.
Nilinaw din niya na ang paglahok niya sa pagpapapako sa krus sa nagdaang 16 na taon ay hindi isang panata, sa halip ay pagtupad s autos ng “God the Father.”
Sa kabila naman ng pagtigil niya sa paglahok, sinabi ni Dionisio na hindi siya titigil sa iba pang mga nakagawiang gawain kung semana santa.
Kabilang dito ay ang pagsasagawa niya ng pabasa sa kanilang bahay mula sa araw ng Linggo ng Palaspas, pagpapaligo sa milagrosong imahe ng Sto. Cristo sa kapilya ng Kapitangan kung Miyerkoles Santo ng Gabi, pagsasagaw ang Bisita Iglesias a mga simbahan sa Bulacan kung Huwebes Santo, at panalangin sa Kapitangan kung Biyernes Santo.
Hinggil sa taunang pagpapapako sa krus sa Brgy. Kapitangan, sinabi niya na apat na tao ang magpapako doon simula sa Huwebes Santo.
Ang Brgy. Kapitangan ay matatagpuan sa tri-boundary ng mga bayan ng Hagonoy, Calumpit at Paombong. Ito ay nagsisilbing isang pangunahing pilgrimage site sa Bulacan kung semana santa.
Ayon kay Dionisio, isa ang ipapako sa krus sa Huwebes Santo at tatlo sa Biyernes Santo.
Ang nag-iisang babae naman na dating kipinapako sa krus sa Kapitangan kung Biyernes Santo ay ipapako sa Miyekoles Santo sa San Pedro Cutud, San Fernando City, Pampanga.
Linggo ng Palaspas at ang Puni Art ng Bulacan
MALOLOS CITY—Ikinagagalak ng mga Bulakenyo ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Palapas dahil sa paniniwalang ito ay magiging daan upang muling mabuhay ang naglalahong sining ng “puni.”
Ang “puni” ay isang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay “pagandahin” o “dekorasyon.”
Ito ay isa rin sining ng paglulupi at pagtitiklop ng mga dahon ng na ngayon ay kilala bilang “puni art.”
Ayon kay Rheeza Hernandez ng Puni De Malolos, isang grupong nagsusulong muling popularidad ng naglalahong sining, ang karaniwang dahong ginagamit sa paglikha ng puni art ay ang mga dahon ng niyog at sasa.
Sinabi niya na bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa, ang puni art ay ginagawa ng mga Bulakenyo.
Simple lamang ang paggawa ng puni art, ayon kay Hernandez at binigyang diin na kailangan lamang ay ilupi, itiklop at lalahin ang mga dahon upang malkikha ang nais na hugis.
Sa mga nagdaang panahon, ang puni art ay nagagamit bilang laruan tulad ng mga isda, ibon at tipaklong na hinubog mula sa mga iniluping dahonng niyog.
May iba pang gamit ang puni art katulad ng lalagyan ng pagkain. Ilang halimbawa nito ay ang suman, at balisungsong na kanin.
Bukod sa mga ito, nagagamit din ang puni art bilang mga religious paraphernalia tulad ng palaspas kung Palm Sunday, o kaya ay pandagdag na dekorasyon sa palaspas.
Ayon kay Hernandez, habang nagtatagal ay dumadalang ang gumagawa ng puni art, ngunit dumadami naman ang pinagghagamitan nito.
Aniya, bukod sa mga palaspas, nagagamit na ring pandekorasyon sa bahay ang puni art, partikular na ang mga makukulay na likha ng Puni De Malolos.
Ilan sa mgakabagong gamit ng puni art ay sinturon, bracelet, kuwintas, hikaw at iba pang fashions accessories.
“Marami sa mga kostumer namin ay mula sa Metro Manila na nagpapagawa ng mga made to order puni arts na akma sa kanilang pangangailangan,” ani Hernandez.
Iginiit pa niya na ikinagagalak nila ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas dahil ito ay nagsisilbing daan upang higit na makilala ang naglalahong sining ng puni.
Hinggil naman sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas, sinabi ni Father Rolando de Leon ng Marilao na ito ay isang paggunita ng sambayanang Kristiyano sa maringal na pagpasok nsa lungsod ng Jerusalem ng Panginong Hesus may 2,000 taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni De Leon na dapat ay pagbulayan ng bawat mananampalataya ang mensahe ng pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem dahil iyon ang simula ang pagdurusa ng Anak ng Diyos para sa kapatawaran at katubusan ng kasalanan ng sangkatauhan.
Hinggil naman sa kaugalian ng mga Pilipino na pagsasabit ng palaspas na nabendisyunan sa harap ng kanilang bahay, sinabi ng pari na iyo ay bahagi ng paninkiwala ng mga tao na maghahatid na dagdag na biyaya dahil sa nabendisyunan ang palaspas.
Para naman sa mga residente ng Hagonoy at Calumpit, naniniwala sila na ang nabendisyunang palaspas ay magtataboy sa masasamang espiritu.
Ngunit para sa mga pari at pastor ng nagkakaisang simbahang Metodista sa Bulacan, dapat na manatili ang pananampalataya ng tao sa Diyos at hindi sa mga bagay na nilikha lamang ng tao.
Saturday, March 5, 2011
Paalam, Casa Eden
Paalam, Casa Eden
Kapansin-pansin ang matamlay na kilos ng mga waiter at waitress sa Casa Eden Kitchenette nang ako ay magpunta doon noon Pebrero 15.
Naglaho ang sigla at parang nahaharap sa isang bukas na walang kasiguruhan.
“Magsasara na ang Casa Eden sa 28,” ani Cita, isa mga waitress doon na naging kabiruan naming mga mamamahayag na parating tumatambay at kumakain sa Casa Eden na matatagpuan sa Crossing ng Malolos.
Akala ko ay nagbibiro lang si Cita. Pero totoo ang kanyang sinabi at itinuro sa akin ang mga kahon sa isang sulok na pinaglagyan ng mga gamit. Nagsisimula na silang magbalot noon.
Tiningnan ko ang cook na si Manang Luisa at ang utility man na si Mang Eddie. Di sila kumibo, bakas sa mata nila ang lungkot, at doon ko nakumpirma na hindi nagbibiro si Cita.
Magkakatulad ang kanilang tanong sa akin. “Paano na kami? Saan na kami magtatrabaho?”
Taon na rin ang binilang ng kanilang paglilingkod sa Casa Eden, kaya’t normal ang mga tanong na iyon. Mababa man ang suweldo nila, pero mas mainam na iyon kaysa walang inaasahan.
Hindi lang sila ang may tanong. Ako man at maging si Carmela Reyes ng Philippine Daily Inquirer at Newscore ay may katanungan.
“Saan na tayo tatambay ngayon,” tanong sa akin ni Carmela ilang araw matapos ang Pebrero 15.
Ngunit hindi lamang isang tambayan para sa aming mga mamamahayag ang Casa Eden. Ito ay ikalawang bahay namin, at nasisilbi ring “press center”, at mga may-ari nito at mga manggagawa ay itinuring na rin naming na bahagi ng aming mga pamilya.
Una akong napunta sa Casa Eden noong 2002 nang ako yayain ng yumaong si Pete Gosuico ng Manila Bulletin.
“Akala ko beerhouse ito, restaurant pala,” ani ko kay Mang Pete matapos kaming umorder ng pancit guisado sa unang pagpunta ko sa Casa Eden.
Ang totoo, gayundin ang komento ng bawat kaibigan kong naisama sa Casa Eden ng mga sumunod na panahon. Dahil siguro sa may billboard ng San Miguel Beer na nakasabit sa harap ng restaurant.
Napadalas ang pagpunta ko sa Casa Eden matapos kaming kumain doon ni Mang Pete. Ito ay dahil naging bahagi ito ng “press triangle.”
Sa ibayo ng Casa Eden ay matatagpuan ang Mitsubishi Photo Developing Studio kung saan kami nagpapaimprenta ng mga larawang kuha sa coverage. Wala pa kaming digital camera noon.
Habang pinapadevelop namin ang mga litrato, sinasabayan na namin ng pagkain ng pananghalian, o kaya merienda o pagkakape sa Casa Eden.
Pagkatapos maimprenta ang litrato, ipinapa-scan naman naming ito sa Leighbytes Computer Center na kahanay ng Casa Eden sa kahabaan ng Paseo Del Congreso sa Brgy. Catmon, Malolos.
Doon na rin kami sa Leighbytes gumagawa ng istorya na aming ipinapadala sa mga pahayagang aming pinaglilingkuran. Wala pa kaming mga laptop noon. Siyempre, habang gumagawa ay nakikipag-kulitan na rin kami kay Father Pedring ng Leighbytes Computer Center.
Pagkatapos ng trabaho ay balik kami sa Casa Eden, tuloy ang kuwentuhan habang nagmemerienda at nagkakape ang mga mamamahayag. Karaniwang nakakasama naming ni Carmela ay sina Rommel Ramos ng GMA7, Boy Cruz ng Pilipino Star Ngayon, Emil Gamos ng Journal Group of Publications, Jeeno Arellano, Shane Velasco at Nene Ocampo ng Punla, at iba pang mamamahayag sa Bulacan.
Ito ay ang halos araw-araw na gawain namin sa unang tatlong taon naming ng pamamalagi sa Casa Eden matapos akong isama doon ni Mang Pete.
Bukod sa mga araw-araw na gawain ito, may mga partikular na okasyon din kaming isinagawa sa Casa Eden.
Noong 2006, doon ko isinagawa ang binyag para sa aking supling na si Bethany Eirene. Nang sinundang taon, doon din inilunsad ni Carmela ang kanyang pahayagang Newscore.
Bukod dito, hindi mabilang isinagawa naming “press con” sa Casa Eden kung saan maraming opisyal na may mataas na tungkulin sa lipunan ang aming nakaharap, bukod pa sa ibang mga party.
Sa Casa Eden rin naming pansamantalang iniiwan ang mga sipi ng pahayagang Mabuhay at Newscore. Sa Casa Eden rin bumabagsak ang mga kopya ko ng ibang pahayagan ipinadadala sa koreo mula sa Pampanga.
Maraming dahilan kung bakit naging pangalawang bahay at “field office” ng mga mamamahayag sa Bulacan ang Casa Eden.
Una ay dahil sa masarap ang pagkain doon partikular na ang pancit miki-bihon guisado, mga combo meals, mga sizzling, barbecue, posit, litid at iba pa.
Sa mga kaibigan at mga kasama sa trabaho kabilang ang aking mga patnugot sa Mabuhay at Punto Central Luzon ay walang masabi sa pagkain ng Casa Eden na kanilang natikman kundi, “masarap!”
Totoo, masarap ang pagkain sa Casa Eden dahil ang may ari nito ay anak ng may-ari ng Panciteria Ideal sa Malolos.
Ngunit bukod sa masarap, ay abot kaya ang presyo ng kanilang mga pagkain.
Ikalawa, kabilang sa “press triangle” ang Casa Eden, at malapit ito sa mga lugar na aming pinamamalagian.
Ikatlo, mababait at nakapalagayang loob namin ang mga may-ari at manggagawa sa Casa Eden.
Ikaapat, nakakagawa kami ng aming mga istorya doon dahil may libreng wi-fi.
Ikalima, suki namin silang mambabasa ng aming mga pahayagan.
Maliban sa ikalimang kadahilan, ang lahat ay maglalaho na dahil noong Pebrero 28, 2011 ay isinara na ang Casa Eden.
Ayon sa mag-asawang Orlando at Eden Lim, natapos na ang kanilang 15-taong kontrata sa may-ari ng lupang kinatitirikan ng Casa Eden.
Pero umabot sila ng 17-taon, dahil sa dalawang taong ektensyon.
“Dapat ay noong 2009 pa kami nagsara dahil finished contract na,” ani Eden na isa sa mga ninang ng aking supling na si Bethany Eirene.
Sa kuwento ni Eden, sila ang nagpatayo ng istraktura ng restoran, kaya’t sa loob ng 15-taong kontrata ay renta lang sa lupa ang kanilang binayaran.
Ngayong tapos na ang kontrata, babayaran nila ang renta sa buong istraktura ng restoran na kanilang ipinatayo, kung nais nilang ipagpatuloy ang paggamit doon.
“Hindi naming kakayanin, malaki ang bayad sa renta dahil malaki itong restoran,” ani Eden ngunit hindi binanggit kung magkano ang sinisingil sa kanila para sa panibagong kontrata.
Batay sa pagtaya sa kasalukuyan bayaran sa rentahan sa Malolos, posibleng umabot ng P40,000 hanggang P50,000 bawat buwan ang pagrenta sa istraktura ng restoran dahil sa laki nito.
Bukod dito ang bayarin sa kuryente at tubig, sweldo ng mga manggagawa, at puhunan sa pagbili ng mga pagkaing lulutuin bawat araw.
Ilang kaibigan ni Eden ang nagtangkang tumulong upang magpatuloy ang Casa Eden. Ngunit, wala rin nangyari.
Pagabi na noong Lunes, Pebrero 28 ng muli akong sumilip sa Casa Eden. Nailabas na ang mga gamit, ilang tarabahador na lang ang nandoon dahil sina Mareng Eden at Pareng Lando ay nag-aayos ng mga gamit sa bahay na kanilang nilipatan.
Tumayo ako sa may pintuan. Minasdan ko ang loob ng restoran. Wala na ang mga mesa at mag silya doon na nagsilbing saksi sa ilang taon ng pamamalagi doon. Madilim na rin, ilang ilaw na lang ang bukas. Nadama ko rin ang lungkot. Pero wala akong magawa.
Habang palayo, sinalubong ako ng halik malamig na simoy ng hangin ng papadilim na huling gabi ng Pebrero sabay sambit sa aking sarili ng tatlong katagang, “paalam, Casa Eden.”